Tuesday, September 4, 2012

The One


Ok. Since tinamaan ako ng sakit ng nakaraang buwan, ngayon ko lang ulit iuupdate ito. Feelingera akong may nagbabasa. Haha.

Kakabasa ko lang ng blog tungkol sa unexpected love, nabasa ko sa http://definitelyfilipino.com/blog/2012/09/02/bigla-na-lang/. Nakakatawa kasi ganyan din ang peg ko madalas. Na gusto ko ng tall, dark and handsome plus rich, cute, clean nails and with wheels. OA, i know, pero lahat naman ata yan ang typical guy, or kundi nila bet ang dark e ung mala Edward Cullen sa puti. Sa mga guys naman, syempre hanap nila sexy and pretty. 

Ganyan naman tayo, we set qualifications for "The One". Kaso, we always end up with the one na exempted sa lahat ng qualifications na na set na sa utak natin. Si kupido kasi e. Ako, I've been with someone na hindi naman katangkaran at bihira akong maidate, pero labs ko yun ha, major heartbreak nga nung naghiwalay kame, ndi na nga lang ngayon. Meron din naman na matangkad at naiidate ako parati pero ndi trophy ang face. Anyways, single ang peg ko today. At sabi nga ni Majoy sa Everybreath you take.. "Lord, handa na po akong magpa-uto". Bet ko talaga ang line na yun dahil bet na bet ko na din mag status ng In a Relationship sa facebook. Pero wit naman akong tiktak ha. Haha.

Ngayon, masaya naman ako na single and ready to mingle ang peg ko. Meron sanang bet kaso in a relationship pa si kuya, wait ko na lang ang breakky nila ni gf. Chos! Pero seriously, mahirap ma-fall sa taong hindi mo talaga ineexpect specially if may iba namang willing na uutuin ka. Wag ka din masyadong choosy, dahil yan ang reason kung bakit single pa ang lola mo.

I'm in no hurry, kaya sobrang natatawa ako sa mga taong hurry in love ang gustong gawin sa buhay nila. Single ngayon pero in a week double na, este may bowa na, tas in a few months, single ulit at heartbroken ang peg. Hindi pa natapos, in a week, searching for love nanaman si ateng. Ang kati lang teh??? Haha. Naniniwala ako na mas magandang kilala mo muna ang future bf/gf mo, tulad ko, matagaltagal ko na rin friend si kuya. Haha. I guess malalaman mo na lang kung sya na nga si "The One".

So para sa lahat ng mga utu-uto out there, goodluck, may you stay in-love, pero kay kuya na bet ko, i know you'll fall for me. Haha. At sa lahat naman ng nag-aantay magpa-uto at makilala si "The One", tiwala lang, mag bbreak din sila.
hearts and hugs.

No comments:

Post a Comment