Wednesday, May 29, 2013
KEEP CALM
CALM. Big word. We can't keep calm if the weather is this f***ng hot!
KEEP CALM is overrated. Hindi naman pwedeng kalma ka lang kung kada labas mo ng shower e pingapapawisan ka agad, hindi din pwedeng cool ka lang kung si kuyang mabantot e sumingit sa pila, at lalong hindi pwedeng si ate na mapapel always ay pagbigyan mo din always.
So, what to do in times that you really need to Keep Calm?
1. It always depend on the situation. Kung naiinitan ka sa sobrang init ng panahon, magdala parati ng pamaypay, payong, mini fan. Or kung sosyal kang sadya, wag sasakay ng sasakyang hindi di-aircon. Pwede naman mag reklamo sa sarili o sa kaibigan, pero wit naman everytime, nakakadagdag yan sa init ng panahon.
2. Mga singit sa pila or yung parating nangunguna. Isa lang ang katapat ng taong makapal ang mukha, anu? yung pinaka-masungit na tao. Take it from me, hindi sakin uubra yang mga makakapal na mukha na yan unless bet ko silang panuorin at pagtawanan na lang, or kung minsan tinatamad lang talaga kong magsungit. Wala namang mali kung sitahin mo sila ng harapan kesa naman ibulong mo na lang sa katabi mo yung mali nilang ginawa. Ingat na nga lang sa pagsusungit kasi baka ma=Amalayer ka.
3. Mga taong hindi pa bihasa sa trabaho nila. Example, si ate sa fastfood restaurant na kulang na lang ay pumasok ka sa counter at ituro mo yung picture ng inorder mo or yung kailangan mo talagang icheck yung nasa paper bag kung may kulang ba. Ganun talaga, kasi nagtratraining pa sila. Pagbigyan. Pero kung parati na lang, andyan naman si manager, or kung masungit or friends sila ni manager, pwede ka humingi ng formal complaint form. (Kung paano ko ito nalaman? Gets nyo na.) If all else fail at talagang ganun pa din, meron naman silang website, pwedeng tadtarin ng complaints. (Kung bakit ko alam? Gets nyo na din yan, haha). At promise guys, may kahahantungan yang mga complaint na yan. ;)
4. Taong hindi mo alam kung paano mo sasabihin na I HATE YOU. Sila yung mga friends or acquaintances mo na hindi mo na nga ganun ka close e hindi pa ganun ka ganda ang ugali. Ayaw mo namang sabihin sa harap nila na "Ganto ka ..., tsaka ganto ka pa ....!", kasi ikaw naman yung magkakaroon ng masamang ugali. What to do? Pwede mong iparamdam sa kanila na or kaya naman wag mo na lang pansinin. Paano iparamdam? Gumawa ka ng mga bagay na kabaligtaran ng ginagawa nilang mali, like, kung bet nya yung sobrang daldal habang nasa office kayo, wag kang makisali or pag kinausap ka nya sabihin mo wag kayong maingay. Ma-gegets din nila ito, unless malas ka at makapal talaga ang mukha nila. If so, refer to number 2. Deadma. Pwede din, eventually titigil din sya or magkakaroon ka ng positive outlook sa buhay na "Care Less, Worry Less" or "Pakielam ko!" Or kung hindi nyo bet, sabayan nyo ako sa favorite line ko "Don't get mad, Get EVEN" haha, chos!
5. Heartache. Broken Heart. Sawi. Take note, pwede kang ma heartbroken dahil sa family, sa office, sa school, kay friend, kay bestfriend, kay tropa, hindi lang dahil kay crush or boyfriend. How to deal? Hayaan lang. Sa totoo lang, hindi naman kasi ganun ka bilis mag move on (how I wish!). Kung family problem, pag-usapan or hayaan lang talaga. Always remember that 'Blood is thicker than water'. So kahit ano pa ang problema, magkakaayus din. Kung tropa, friend, officemate, schoolmate, or bestfriend problem naman, mas magandang isang tabi ang pride. Man up and admit your wrong. Apologize and accept your mistake. Kung talagang end of relationship na ito, Forgive and Forget!. Pangit naman na hindi na nga kayo friends, kung ano ano pa ang sasabihin mo tungkol kay ex friend. Matatakot sayo sila friend mo kasi baka ganunin mo din sila. Deadma na lang. Ngayon, kung talagang heartbroken ka dahil sa kay partner, crush, fubu or boyfriend or girlfriend at waley na talagang pag-asa, iiyak mo yan! Kung usapang pag-ibig ito, the best healer is time (tama ba??) Wag i-push kung di pa kaya at wag mag jowa ng iba kung gagawin mo lang panakip butas. May mga taong sadyang masukista at tinitiis na keri lang DAW nila na andyan si ex or si crush, pero deep inside umiiyak. Kung hindi mo talaga kaya, you can always give space and time bago mo sya makita ulit. Kung niloko ka, forgive, but don't forget. Bakit? Kasi yun yung dapat mong iwasan sa next experience mo. Hindi porket nasaktan ka na sa ganoong paraan e safe ka na sa susunod. Kailangan wais ka, always learn from your mistake. Pero wag kalimutang magbigay ng second chance, or chances sa ibang tao. Always remember "Hindi mo ikakaganda/ikakapogi ang pagiging Tanga". So eto na yun, LET GO!
Sabi nga, "Its ok to cry a river, just don't forget to build a bridge and get over it"
After ng motto sa taas, eto naman:
#hugs <3
Subscribe to:
Post Comments (Atom)


No comments:
Post a Comment